
221 Hours 16 Minutes. 3 Days sa Malanday. 1 Day sa One.Mig. Hindi ko mabilang na araw sa Star City.
Ang malaking tanong diyan,
MAY NATUTUNAN BA AKO?Natuto akong mag-fax tone. Haha! =))
Natuto ako kung pano mag-program at mag-troubleshoot ng ABR(Audio Broadcast Receiver).
Nalaman ko na ang up-converter ay isang type ng amplifier na ang output signal ay greater than the frequency of the input sign. Kailangan ng mas mataas na frequency sa uplink kesa sa downlink.
Nalaman kong hindi lahat ng tuyong water lily na mukhang pwedeng tapakan sa Malanday ay pwedeng tapakan.
Natuto akong makipagsabayan sa pagbubuhat ng mga mabibigat na equipment.
Natuto akong mag-measure ng Field Intensity gamit ang 50,50 FM and TV Propagation Curves.
Nalaman ko ang pagkakaiba ng rice ni Mahal at ni Aiza.
Natulog ako ng maraming beses sa may Dino Island sa Star City.
Nakapag-ayos kami ng tatlong IPA's.
Nag-test kami ng mixer.
Nalaman ko na ang Limiter/Compressor ay gumagamit ng Low-Pass Filter para maging smooth ang signal.
Nalaman ko na may 6 na Copper pala ang isang Trilon tower. Example nito ay yung nasa Malanday na 350 Feet.
Nag-set up kami ng FM Exciter, Dummy load at may External Power Supply para ma-test ang 500W transmitter.
Wag nating kalimutan ang buwis-buhay naming pag-akyat sa tower.
Mas lalo kong naintindihan ang FM, Satellite at AM dahil nahawakan at naituro sakin ito ng nakikita ko ang mga equipment na ginagamit.
Mas lalo kong minahal ang subject na communications.
Nalaman kong hindi ko kailangan ng sweldo sa OJT dahil mas importante na matuto ako.
Nakilala ko ang iba't ibang klase ng tao.
Alam kong
ma-mimiss ko ang MBC Central Engineering Office. Ang mga upuan. Ang coffee maker natin. Ang water dispenser. Ang mga badminton racket. Ang upuan na maliit na kulay green. Ang dishwashing liquid.
Bago matapos ang OJT ko, gusto ko
magpasalamat sa mga sumusunod:
Kay Mahal at Aiza para sa mga masasarap na ulam. Sa Tropical Hut at Chowking. Sa mga co-trainees ko: Gee, Joan, Xy, Helen, Mike, Jhun, Earl - Kahit galing tayo sa magkakaibang school, naging super close tayong lahat. Lalo na ang TTH Group. Sa mga taga-Aksyon Radyo. Sa mga taga-Radyo Natin. Sa mga taga-IT Department. Kay Maam Tina na palagi naming kakulitan.
Sa mga sir ko. Boss Abet, Sir Tonie, Sir Dante, Sir Melvyn, Sir Zaldy, Sir Albe, Sir Chris, Sir Jay, Sir Art, Sir Mon, Sir Mac, Sir Bebot, Sir James ng HR na pinagalitan ako dahil nakahikaw ako.
Sa mga guard. Sa mga tao sa warehouse. Sa mga nakakasalubong ko palagi na mga DJ's ng
Love Radio at
YesFM. Sa mga nakakasabay ko sa CR. Sa mga nagtitinda 'nung Aliwan Fiesta. Sa mga OJT ng Yes at Love.
Thank YOU! :)
Posted at 01:40 am by marjanpatrick
Permalink