marjan.patrick.
{Monday, September 14, 2009 .
The Modern Juan Tamad
}

RIIIIIINGGG.. RIIINNGGG..

Tunog ng alarm clock ni Juan. Kinuha niya ito, ibinato sa pader (Syempre nasira ang alarm clock), at bumalik siya sa pagtulog. "P*tangin Juan! Gumising ka na!" Sigaw ng kanyang ina. Maliit lamang ang bahay nila Juan kaya malamang ay rinig ng mga kapitbahay ang pagsigaw ng kanyang ina. "Tinatamad pa ako ma." Sagot ni Juan. Normal na ang ganitong eksena sa kanilang bahay. Hindi alam ni Juan kung bakit tamad na tamad siyang gumising sa umaga. Wala naman siyang ginagawa kundi matulog, kumain, mag-Facebook at pumasok sa school. Maya maya ay bumaba na rin si Juan para kumain. "Tuyo nanaman!?!" Tugon ni Juan sa kanyang ina. "WTF!? CHOOSY KA PA!? PALAMUNIN KA LANG! BEGGARS CAN'T BE CHOOSERS." Sabi ng kanyang ina habang tumutulo ang dugo sa ilong nilang lahat. "Ok." Reply ni Juan. Nagsimula na siyang kumain. Nakataas ang paa, halatang tinatamad pa rin. " Ma, subuan moko." Sabi ni Juan. "Ang tanda tanda mo na! Utang na loob! Bente-uno anyos ka na Mario Juan Patricio!" Sagot ng kanyang ina. Walang nagawa si Juan, pilit nyang inubos ang 7,284 grains of rice na nakahain sa lamesa.  Matapos kumain ni Juan ay naligo na siya at nagbihis.

"Eto bente pesos anak. Mag-1-2-3 ka na lang sa jeep. Hindi pa nakakapasada ang ama mo. Busy nanaman sa Petso ang loko. " Sabi ng kanyang ina sabay abot ng bente. Hindi magawang magreklamo ni Juan dahil siya mismo ay adik din sa Petso. "Sana hindi ko na tinuruan si ama mag-Facebook." Sabi ni Juan sa kanyang sarili. Simula nang matuto mag-Facebook ang kanyang ama ay halos hindi na ito pumapasada ng tricycle.

At nagsimula na si Juan na tumungo sa kanyang eskwelahan. 21 years old na si Juan pero 2nd year college pa rin siya sa isang state university. Sa tagal na niyang nag-aaral, hindi pa siya nakaranas kumanta ng Lupang Hinirang. Palagi kasi siyang late.

Pagdating niya sa school, nakasalubong niya ang mga kaibigan niya. "Kaibigan!" Sigaw ng isang maitim na mukhang goons. Ito ay ang kaibigan niyang si Gio. Laking Tondo kaya madalas napagkakamalang siga. "May homework ka kaibigan?" Tanong ni Gio sa kanya. "Syempre wala." Derecho na sagot ni Juan. Nakita ni Juan na nakatitig si Gio sa likod nya, kaya inikot nya ang kanyang ulo at...

..NOW PLAYING: Beautiful Girls by Sean Kingston..

Sexy. Magaganda. Nililipadlipad pa ang buhok habang naglalakad ang mga Posh Girls. Kung may Plastics sa Mean Girls, may Posh Girls ang university nila Juan. Nanigas.. Nanigas ang mga tuhod ni Juan. Nakita kasi niya si Heather. Ang ultimate mega crush niya na matagal na niyang pinagnanasaan.

Pero sirain muna natin ang moment. Wala pang homework sila Gio at Juan. Kaya naman sila ay tumungo na sa kanilang classroom upang magpasulat sa mga mababait nilang kaklase. Pagkapasok sa classroom.. "Ridge! Gawan moko ng homework!" Sigaw ni Gio. "Ako rin." Sabi ni Juan. Si Ridge, ang pinakamatalino at pinakamabait sa tropahan nila Juan. Sa sobrang kabaitan ay minsan nasa bingit na siya ng pagiging aliping sagigilid. At nagsimula nang magsulat si Ridge ng homework nila Gio at Juan. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ni Ridge..

"Ano yan Mr. Chua?" Sabi ng isang boses. Nagulat si Ridge, si Prof. Perez pala. Kinuha niya ang sinusulat nito. "Homework? Hindi niyo ba alam na sa bahay ginagawa ang homework? kaya nga HOMEWORK!" Sabi ng Prof. nila. Mas lalong nag-init ang ulo ni Prof. Perez nang makita ang mga pangalan sa papel, SAN PEDRO! ESCUDERO!!" Sigaw ng kanilang Prof. Lumindol ng magnitude 5.6. Nagulat ang lahat at napatingin kila Juan at Gio. "Uhmmm.." Ang tangin nasabi ng dalawa.

TO BE CONTINUED..

Katapusan na ba ni Gio at Juan?
Si Ridge, kamusta kaya siya matapos ang 5.6 magnitude na lindol?
At si Heather, ano nang mangyayari sa buhok niya na lumilipadlipad habang naglalakad?


Make a comment

marjanpatrick blogged on Monday, September 14, 2009 05:06 pm

.

{Sunday, September 13, 2009 .
Ang Cheeesssyyy. xD,
}

I made this video for Team CC. I know, It's cheesy. But yeah. whatever. LOL. Shades


Anyway, Saturday was hell. Woke up at 7am. Went to school at 9am. Wala si sir.(As usual.) Naramdaman ko nang hindi siya pupunta sa experiment namin.

SIR TOLITS: Guys, magstart na ka kayo sa experiment sa Saturday kahit wala pa ako ha.

-- Alam na! xD Hahaha.

Nagpatuloy pa rin naman kami sa pag-gawa ng Astable, Monostable at Bistable 555 Circuit kahit wala siya. Then, napa-tambay kami. Nag-soundtrip. Then may umepal. Nagtext si sir na i-checheck niya ang mga circuits at 6pm. WTH!?! Rushmode kami. Hindi na kami nakapaglunch sa sobrang hirap ng wiring. Dalawang brownies at isang pepsi lang nakain ko. Tapos sumapit ang 2pm -- Signals na. Dumating si sir Zarco kaya hindi na namin natapos ang circuit namin. Amf. Nagpatuloy ang buhay. Discussion. SOBRANG antok na antok ako.

Then came the savior -- BREAKTIME. Oh yes, isang sh*t na malupet, walang siomai sa canteen. After 20minutes pa raw. Kaya kumain kami ni kuya Adrian sa labas ng campus. Nag-porkchop, 2kanin kami. Yun ang kain. Mejo nabusog naman ako. After nun, bumili naman kami ng siomai sa canteen. Then, after the break, nagdiscuss ng konti tapos nagseatwork. Ayun, traffic pauwi. 8pm na ako nakarating sa bahay.


Make a comment

marjanpatrick blogged on Sunday, September 13, 2009 10:38 am

.




In A Rush - BlackStreet